Saturday, February 23, 2008

Simply Not Enough

The controversial NBN-ZTE deal sprouted into a multitude of issues ranging from the obvious anomalies to the in depth exposes on the rule makers of this ballgame. Like the Pandora’s Box, it has opened all sorts of evil that have been trying to evade the public eye for so long. The country has been witness to revelations of all sorts. We shook our heads when we learned that the $262M project cost ballooned into a $329M loan. We crunched at the thought of the shady cover ups of opposing camps in a tight race to swing public opinion. Spin doctors make remedies resorting to published wire tapped conversations, revelations of dirty laundry, blemished credibility even to as far as shattering friendships of innocent children. We feared for the safety of a witness ready to tell all and watched in the same interests with our favorite telenovela the Senate hearings that feed our curiosity with blow by blow account of a true to life mixture of action, comedy, horror, drama and fantasy unfolding. We groaned in disgust on the extent of greed that spans wide from the small fishes in the tank to the whales of the ocean and realized that the whole ecosystem is in fact contaminated with stinking corruption. We grew watchful and conscious of text messages, phone conversations, security cameras after having learned that the government must had too much of methamphetamine hydrochloride.

And the camera continues to roll. And we, the movie audience grow more confused as the plot thickens. While the church remains divided into where to lead its flock, the opposition and militants dance together into another “ouster” tune. Just as right wing elements and adventurers in the military attempts to win the crowd with patriotic agitation of their messianic intentions, the veteran players of traditional politics competes to hog the spotlight with brilliant posturing and statesman like images tailor fitted for 2010. Joey and Jun like carnival stars packaged as modern heroes are being paraded in schools and civil society functions to court movers of another attempt at Edsa.

The nation is in frenzy. Calls for ouster, snap elections, caretaker government, and kabayan for president barks at every street corner yet the broad masses remains in the sidelines. We remain spectators.

Some call it apathy while others see it as cynicism. Ideologues theorized it to people power fatigue.

Whatever you call it, the common folk would simply comment, “Pare-pareho lang sila (everyone is the same)”. I would rather use what my friends would term it, “different ass, and same shit”.

Unless concrete reforms that deal with the real issues of the people are raised and confronted, all the efforts will serve a lost cause. Unemployment. Rising Cost of Education. More classrooms and textbooks. Starvation Wages. Hunger. Extreme Poverty. Regressive Taxation. Embedded Corruption.

From the way things are going, it will not be different from the past Edsa that merely changed the moustache of an Asiong Salonga to the mole of a Nora Aunor. What remains are options to install a “kabayan” speaking moron or a pack of vultures waiting to feed on the nation.

Let us hope that the objective condition will not be cruel to limit us with a choice between evils. May we have the opportunity to write history with genuine freedom to choose what is truly beneficial for our country.

While everybody’s busy ousting a President, nobody is talking about the real issues.

Don’t get me wrong. I would party in the streets just to see that evil bitch fall but not to hand over on a silver plate a rod to the salivating monsters ready to beat the hell out of another generation of my country men.

-leni-
disturbed on a friday night

3 comments:

Anonymous said...

I will be glad to share with your group a concept paper adhering a new type of mass movement i wrote even before the zte scandal...

KILUSAN SA PAGBANGON NG PAMBANSANG DIGNIDAD

Sa Kabila ng pagmamalaki ng kasalukuyang gobyernong arroyo na bumabangon na ang ekonomiya ng bansa..tila kabilagtaran naman nito ang aktwal na nararanasan at paniwala ng karaniwang mamamayang Pilipino. Sa pag unawa ng mamamayan na hindi naman lubos na nauunawaan ang mga teknikal na terminong Gross Domestic Product mas matimbang ang mga sumusunod na kadahilanan upang panawan sya ng pagasa na may naghihintay pang maaliwalas na bukas sa pamilyang Pilipino.. Ang kakulangan ng opurtunidad ng trabaho o empleyo sa kanayunan at atrasadong kalagayan ng sector ng agrikultura na pangunahing inaasahan sa produksyon ng pagkain,.ang sunod sunod na pagtaas ng presyo ng langis na kawing kawing ang pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin,ang mataas na singil sa tubig, kuryente at komunikasyon., ang pananatili ng napakalaking porsyento ng lakas paggawa na walang pirmihang trabaho, ang hindi maipatupad na living wage para sa mga empleyado sa pribado man o sa gobyerno at ang talamak na graft and corruption sa lahat ng antas at ahensya ng gobyerno na ang epekto ay kakulangan sa serbisyong sosyal gaya ng pangkalusugan ,edukasyon ,pabahay makabuluhang inprastraktura at teknolohiya na aagapay sa modernong pangangailangan ng lokal na namumuhunan sa sektor ng manupaktura.

Kung may ilang bahagi man ng middle class ang medyo umaangat at nakatikim ng kaunting kaginhawaan ngayon at nagdaang dekada , alam nating lahat na walang dapat ipagpasalamat sa umiiral na gobyernong patakaran o pag unlad na ipinagyayabang ng pangulo ang may kinalaman dito. Dahil ang tunay na dahilan nito o kapalit ng kaunting ginhawa na kanilang tinatamasa ay ang pagkayod na parang kalabaw sa ibayong dagat para may magastos ang pamilya at mapag aral ang mga anak dito sa Pilipinas. Ngunit kung magpapatuloy din ang kasalukuyang pag sadsad ng palitan ng piso sa dolyar ilang panahon lang maging ang pagiging kayod kalabaw sa ibayong dagat ay hindi na din sasapat.

Mas ka .lunos-lunos ang buhay ng halos 4 sa sampung pamilyang Pilipino na ang pangunahing publema sa ngayon ay saan kukunin ang mismong kakanin sa isang buong maghapon. Kung nuong dati ay pagdadamayan at pagtutulungan ng mga magkakamag anak at magkakapit-bahay ang sagot para mairaos ang buhay ,mas uso na sa ngayon ang pagka kanya kanyang diskarte o kanya kanyang raket para mabuhay.

Isang pisikal na kalagayan na magbibigay katwiran sa pagguho ng moralidad, pag gawa ng iligal ,paggawa ng panlalamang sa kapwa at paglaganap ng anti sosyal na gawain at paglobo ng kriminalidad. Dahil ang matibay ang sikmura at madiskarte ang sya lamang may karapatang mabuhay.

Ang tunay na larawang nakapinta sa lipunang Pilipino ay ang katotohanang napaka layo na ng agwat ng pamumuhay ng iilang mayayamang pamilya ng bansa kumpara sa malaking porsyento o halos 80 porsyento ng populasyon ng mamamayan ,Sa kabilang banda ay ang malawak na mamamayang nabubuhay ng mas mababa sa disenteng kalagayan at ang napakaliit na porsyento na nagtatamasa naman ng maluhong pamumuhay. Sa isang banda ay ang naglalakihan at naggagandahang village kung saan nakatayo ang mansion ng mayayayaman ang naggagandahang golf course,resorts,hotels ,condo at exclusive clubhouse , sa kabilang banda ay mga komunidad at barrio na maging kuryente at supply ng malinis at ligtas na tubig ay wala. Mga hapag kainan na umaapaw sa masasarap at masusustansyang pagkain na nasisira lang at itinatapon ng halos hindi naman ginagalaw at sa kabilang banda ay hapag kainan na masuwerte kung mahainan ng tatlong beses isang araw ng mga pagkaing pinalutang sa sabaw para mag mukhang marami at mapagkasya.

Ito ang ating bayan at mamamayan, 22 taon makalipas ang Pag-aalsang Pebrero na nagpatalsik sa Diktadurang Marcos at nag balik daw ng demokratikong karapatan ng mamamayan. Walang naipundar o naiwan man lang kundi ang mga magagandang litrato , sulatin kwento at monumento na nag papa-alala na minsan sa yugto ng ating kasaysayan ay nagkaisa, kumilos, lumaban at nangarap ang taumbayan na kailangang mag kaisa ang mamamayan para baguhin at tutulan ang isang mandarambong , sakim at mapanupil na elitistang pag hahari na kumakalinga sa isang sistemang panlipunan na walang hustisya sosyal at priprangkisa ang laganap na kahirapan sa sambayanan.

Ngunit matapos patalsikin ang Diktador, mistulang salamangka lang at bulong ng mahika ang panawagang People power at demokrasya na ipinagtayaan ng buhay at kinabukasan ng mamamayan. Bagamat may ilang pagbabago sa saligang batas at pagbibigay importansya sa karapatang sibil hindi naman tinugunan ang pagbabalangkas ng mga kongkretong hakbangin upang pawiin ang mga tunay na dahilan ng mga publemang nabanggit. Naging sunudsunuran pa din ang mga pumalit na gobyerno sa pagpapatupad ng iskema sa pagbababayad ng utang panlabas batay sa dikta ng mga dayuhang nagpautang at hindi isina alang alang ang higpit ng pagangailangan para matugunan ang pinansyang pantustos sa mga programang pambayan , ang repormang agraryo sa kanayunan ay hindi ipinatupad sa tunguhing imodernisa ang agrikultura bagkus maging ang pamamahagi ng lupa sa bawat magsasakang pamilya sa pagpapatupad ng CARP ay hindi naman naging tugon sa pag unlad ng kabuhayan ng sector ng magsasaka. Ang syensya at teknolohiya ay hindi napagtuunan ng pansin upang tumahak sa tunguhin ng pagunlad at industryalisasyon na lilikha sana ng mga bagong trabaho at opurtunidad ..Ang edukasyon ay nanatiling mababa ang kalidad kung saan malaking salik dito ang napaka babang sahod ng mga guro,kulang kulang na pasilidad at gamit sa pampublikong mga paaralan at ang pagliit ng pondo ng mga unibersidad na pinatatakbo ng gubyerno. Halos 80 porsyento ng pang tersaryong edukasyon ay ipinaubaya pa rin sa pribadong sector na pinapatakbo naman bilang negosyo . Ang mga patakaran at batas sa sector ng negosyo at paggawa ay hindi tumutugon sa pangunahing hiling ng manggagawa na protektahan ang kabuhayan, karapatan, kaseguruhan sa trabaho at kapakanan ng sector.Kaysa palawagin pa sana ang mga ito mas pinakipot pa ng mga binuong batas paggawa ang puwang na makapag bibigay sana ng proteksyon sa mga manggagawa. Ang kontraktwalisasyon,assumption of jurisdiction,regional tripartite at wage boards ay ilan lang sa mga batas na isinakatuparan ng wala man lang pag sasa alang alang kung pumapayag at makabubuti sa mga manggagawa at empleyado ang mga ito.Idagdag pa ang usad pagong na mga kaso at kurap na mga labor arbiter sa NLRC. Maging ang mga local na namumuhunan o malilit na entrepreneur ay hindi din nabigyan ng sapat na ayuda at proteksyon laban sa hindi patas na pribelehiyo na tinatanggap ng mga malalaking dayuhang kumpanya at negosyo na pag aari o kontrolado ng mga maiimpluwensyang pamilya sa gubyerno. Sa pangkalahatang patakaran at polisiya na tinahak ng mga sumunod na gubyernong naluklok matapos patalsikin ang Diktadura ni Marcos, masasabi nating ipinagkakait pa din ang demokratikong partisipasyon ng mamamayan sa pagbubuo ng mga batas at patakaran, pag-aalam sa mga publema , paghahanap ng kasagutan at pagiimplementa ng prayoridad na mga programa ng bayan. Sa antas ng pinakamababang yunit ng gobyerno mula sa Barangay , Distrito , Munisipal, Lungsod Probinsya, rehiyon at nasyunal na antas. Hindi sinuhayan ng sapat na suportang moral , pinansyal at teknikal ang pagbubuo at pagbibigay importansya sa mahalagang papel ng mga organisasyon at samahan ng mamamayan upang maging epektibo itong kaagapay ng gobyerno sa pagpapatupad ng programa ng pamahalaan para sa mamamayan. Maging ang mga repormang electoral ay hindi naman tumugon sa publema ng pulitika ng bansa kung saan ang pag gamit ng guns goon at gold ay syang epektibong formula pa rin upang makasungkit ng isang halal na pusisyon sa gobyerno. At dahil nga ang halal na pusisyon sa gubyerno ay pinupuhunanan tulad din ng isang negosyo, prayoridad ng mga nahalal na lider ang bawiin ang ginastos, mag impok at magpayaman at magpalawak ng impluwensya at proteksyon sa mga malalaking negosyo at mayayamang pamilya na tumatayong kandidato o pinansyer. Sa ganitong kalakaran ang pangungurakot sa kabang yaman ng bansa at pagsasabatas ng mga patakaran at programa ng pamahalaan sa lahat ng antas ay malabo ngang bibigyan ng prayoridad at ireresolba ang publema ng bayan. Ilang eleksyon at EDSA man ang magdaan ibat ibang mukha man ang mahalal na pulitiko ng bayan kung ang pagpili ng mga namumuno sa ating bansa ay nahahalal dahil sa impluwensya ng pera, kapangyarihan, pandaraya , panlilinlang at basbas ng mga maiimpluwensyang pamilya , negosyo at interest groups, walang pag asa na hihintayin ang bayan. Dahil ang paghahalal ng mga tapat at sinserong lider ng bayan ay magaganap lamang kung ang mamamayan ay may masusing papel na ginagampanan sa pagbubuo pagsubaybay at paggampan sa programa , proyekto,patakaran at batas na isinasagawa ng kanilang mga halal na lider. Ito ay Isang panlipunang responsibilidad ng bawat mamayan na aakuin lamang nya kung buo ang kanyang kumpyansa sa mga hinalal niyang lider at may sapat na puwang na inilaan sa kanyang partisipasyon ang umiiral na kaayusang pulitikal .

Sa kasalukuyang kaayusang pulitikal, ang mga Barangay Development Councils , City Development Council , Provincial Development Councils ,Regional Development Councils,National Development Councils , na nagbibigay representasyon daw sa sector ng mamamayan hinggil sa mga mahahalagang programa . batas at polisiya ay pormalidad lamang at kadalasan pa ay ini aapoint ng Kapitan ng Barangay, Mayor , Governor at Pangulo ng bansa. Ang mga personahe ,indibidwal o grupo na nakapaloob dito ay mistulang stamp pad lamang ang silbi sa pagbubuo ng mga programa at patakaran sa bawat antas ng pamamahalang pulitikal .Mga pormasyong nagpapakita daw na kalahok ang mamamayan ngunit sa aktwal ay hanggang sa papel lang at hindi naman sinserong pinagtutuunan ng pansin ng gobyerno sa anumang antas. Idagdag pa ang limitadong upuan sa lehislatura ng mababang kapulungan sa kongreso na kumakatawan sa sektoral party list na mambabatas at ang 17 taon na pagkakabinbin ng Implementing Rules and Regulations ( IRR) sa kongreso na magbibigay katuparan sa sektoral na representasyon ng 3 sektor na kakatawan sa mamamayan sa lehislatibong sangay ( legislative councils ) ng mga local na pamahalaan.


Hindi na kataka taka kung sa kabila ng matinding kahirapan, korupsyon sa gubyerno, paglala ng kriminalidad , pagbaba ng moralidad ,pagkasira ng kalikasan , pagyurak sa soberenya ng bansa at pagbabangayan ng mga pulitiko ng administrasyon at oposisyon ay nananatiling walang pakialam ang mayorya ng mamamayan . Dalawa ang mayor na dahilan dito. Una ay hindi naman siya talaga binigyan ng papel sa pagbuo ng mga patakaran programa at batas na may kinalaman sa pang araw araw na takbo ng kanyang buhay . Ikalawa, wala ng kumpyansa ang mamamayan sa kanyang mga hinalal na lider na syang magreresolba sa kanyang lugmok na kalagayan. Malinaw na sa kanya na mismong ang kanyang mga hinalal , ang mga batas at patakarang pinapasa at ipinaiiral maging ang relasyong panlipunan ay hindi nya na inaasahang mag sasalba sa kanya. Bagkus ito ay umiiral at binalangkas para lalu pang pakiputin ang kanyang karapatang makilahok sa pamamahala at mismong ang natitira nyang boses na kapangyarihan sa balota ay kinapon pa ng umiiral na sistema ng eleksyon.

Sa pananaw ng ordinaryong mamamayan ito talaga ang lipunang Pilipino at kahit ano pa ang kanyang gawin at pagmamaka awa ay hindi sya kailanman pakikinggan at dadamayan. Kung kayat sa kanyang payak na kamalayan mabuti pa na sariling kaligtasan nalang ang pagka- abalahan. Sariling kaligtasan na mas mahalaga kaysa maging isang responsible at huwarang ama o ina sa kanyang mga anak , kaysa maging isang masipag at tapat na manggagawa , empleyado o kawani ng gobyerno na may pagtatangi at may malasakit sa kanyang trabaho o propesyon , kaysa isang responsableng miembro ng kanyang komunidad na may pagpapahalaga sa pakikipagkapwa-tao at pagdamay sa kanyang ka-lugar ,kaysa maging isang responsableng botante na hindi ibinibenta ang boto para pumili ng mga tapat at sinserong lider ng bayan dahil pare-pareho din namang bulok at magnanakaw sa kaban ng bayan ang pagpipilian . Kumain at mabuhay ito ang pinaka mahalaga para sa kanya isang natural na gawi ng isang pangkaraniwang hayop na hindi alam o wala sa bokabularyo ang salitang dignidad. Gumawa man sya ng labas sa itinatakda ng moralidad gaya ng panloloko ng kapwa,pagpapabaya , pagnanakaw, pandaraya, pagsisinungaling at pagiging manhid sa pagdurusa ng kanyang kapwa, ano ang kaibahan nya sa kanyang , lider barangay , may ari ng kumpanyang kanyang pinapasukan , mayor , kongresman , senador , at pangulo ng bansa ? wala maliban sa ginagawa nya ang mga ito para mabuhay at maitawid ang pamilya sa gutom. Samantalang ang mga pulitiko , matataas na kawani ng gobyerno,mayayaman at makapangyarihan sa lipunan ay ginagawa ito dahil sa kasakiman sa kapangyarihan at kayamanan at walang kasiyahang pagtatampisaw sa luho na syang trademark ng lahat na nabubulok na lipunan. Ito ang lipunang walang dignidad , ang lipunang ang mali ay nagiging tama at ang baluktot ay pilit ginagawang tuwid para sa pagpapanatili ng iilang nagtatamasa ng kasaganahan at kapanatagan.

Masangsang na ang amoy ng kabulukan ng lipunan, maging ang pagtatakip ng ilong , mata , tainga at pagiging manhid ay hindi na uubra. Ang sambayanang pilipino ay mistulang naninirahan sa bundok ng basura na lahat tayo ay nag ambag ng kanya kanyang kabulukan.Kung mananalamin lamang tayong lahat at susuriin ang ating budhi wala ni isa sa atin ang hindi kinapitan ng masangsang na amoy dala ng kabulukan ng kasalukuyang sistema ng lipunan. Sa ganitong kalagayan takot din tayong magdamayan at makipagyakapan sa isat isa.Takot din tayong tumaliwas sa agos ng kabulukan sa pangambang malunod tayo sa gutom at pagtawanan lang tayo at kutyain ng ating mga kaibigan at katrabaho.Takot tayong sa paggawa ng tama at matuwid ay walang makakain , matitirhan , maisusuot ang ating pamilya, hindi mapapa aral ang ating mga anak , hindi ma promote sa trabaho at ituring na hindi marunong makisama o makibagay sa umiiral na kalakaran.Ngunit walang mangyayari kung ang bawat isa sa atin ay hindi magsisikap na hubarin at labahan ang mabahong kasuotan,linisin ang ating kanya kanyang bahay , bakuran,opisina , barangay , munisipyo , lungsod at bansa.

Sa halip na pag papalit lang ng mga lider tuwing eleksyon o pag asa sa milagro ng bagong edsa o kudeta ang ating aasahan ay lilikha na tayo ng mga kongkretong pagbabago na magsisimula sa ating sarili patungo sa ating , pamilya,kaanak ,kaibigan,katrabaho.Lilikha na tayo ng mga pagbabago sa ating bahay, komunidad, pabrika , opisina ,organisasyon at samahang kinaaaniban, siyudad , probinsya at bansa. Sa lahat ng sulok at aktibidad ng lipunan ay titiyakin na nating may malinaw tayong kaka paloobang sirkulo, samahan o organisasyon o grupo na kinapapalooban na may mga particular na hakbangin at adhikaing naglalayong ibangon ang ating kahirapan ibangon ang ating dignidad at kumpyansa sa sarili at magtiwala sa pagdadamayan para alamin ang ating mga suliranin at sama-sama na isakatuparan ang mga ninanais nating reporma sa abot ng kakayanan ng grupong ating kinabibilangan. Ang kalinisan ng kalooban ng bawat isa, ang pagmamahal natin sa ating pamilya ,ang matibay na pananalig sa makatarungang dios ang pakikipag kapwa tao at marubdob na pagmamahal sa bayan alang alang sa kinabukasan ng susunod na salinlahing Pilipino ang pinaka mabisa nating gagamiting sandata. Imamaksimisa natin sa pamamagitan ng ating mga kinatawang organisasyon o samahang binuo ang kasalukuyang demokratikong espasyo sa lahat ng antas ng organo ng pampulitikang pamamahala ng gobyerno at hindi mangingiming tawirin ang mga restriksyon nito sa layuning palawigin pa ang espasyo para magkaroon at kilalanin ang boses ng sambayanan. Sabay sabay nating ibabangon ang dignidad ng lahing Pilipino upang tratuhing tayo ay mga mararangal na tao at hindi lahing busabos sa buong mundo.

Note: Organizational features including objectives and specific demands from community level to national level is being finalized through workshops and consultations with prominent personalities, groups and organizations involve in the mass movement , religious groups, political and various civic organizations.



Ang Pambansang Layunin ng Kilusan

1. Kamtin ang living wage bilang batayan ng minimum na pasahod sa pribado man o gobyerno sa layuning kamtin ang dignidad sa paggawa at mabuhay ang pamilyang Pilipino sa disenteng kalagayan.
2. Pagbibigay ng malaking papel sa karapatan ng mamamayan na lumahok at
Makibahagi sa pagbabalangkas ng mga batas , programa at proyekto ng bayan
sa lahat ng antas ng pampulitikang pamamahala .

3. Masusing imbestigahan ang tunay na halaga ng mga dayuhang utang at kilalanin lamang ang utang na talagang ginugol sa mga programang pambayan.
4. Magbalangkas ng sektoral na programang tunay na kumakatawan sa kalagayan at suliranin ng bawat sector sa tunguhing progresyon.
5. Seryosong ipatupad ang probisyon ng konstitusyon ng bansa na nagbibigay proteksyon sa soberenya at pantay na patakaran at relasyong panlabas .
6. Pagbibigay ng ayuda at proteksyon sa mga local na entrepreneur laluna ang nasa sector ng manupaktura laban sa daluyong ng globalisasyon at di pantay na kompetisyon sa mga dayuhang namumuhunan sa layuning protektahan ang sector at palaguin ang opurtunidad sa pagkakaroon ng dagdag na trabaho.

7. Seryosong pagaaral sa kasalukuyang atrasadong kalagayan ng agrikultura at pagtahak sa direksyon ng pagmomodernisa nito sa pamamagitan ng pagbubuo ng mga kooperatiba kung saan ang gubyerno, pribadong korporasyon at grupo O KOOPERATIBA ng magsasaka ay pareparehong stakeholders.


8. Pagpapatibay ng sistema ng hudikatura kung saan seryosong isasabuhay ang saligang prinsipyo ng walang sino man ang nakatataas sa batas,yaong salat sa yaman ay dapat sapat sa proteksyon ng batas at ang nabalam na hustisya ay hustisyang ipinagkait.

9. Pag babago ng kasalukuyang sistemang electoral at pulitika ng bansa sa tunguhing multi party system na nakabatay sa malinaw na prinsipyo ng pamamahala at programa at hindi pa sa balangkas ng popularidad ng mga indibidwal na kandidato.


10. Masusing pagrebisa sa umiiral na kapangyarihan at autonomiya ng mga local na pamahalaan sa tunguhing nabibigyan proteksyon at pantay na kapangyarihan ang lehislatibong sangay kung saan naroon ang partisipasyon ng mga organisasyon, samahan at sector ng taumbayan upang tiyaking walang pag abuso na magaganap sa ehekutibong saray na namumuno.

11. Pag rerebisa sa sistema ng pagbubuwis at distribusyon ng yaman ng bansa gayundin ang pagbabago sa kalakaran ng distribusyon ng IRA kung saan ang mga mauunlad ng siyudad at bayan ay di hamak na malaki ang nakukuhang pondo kaysa maliliit na bayan na ang resulta ay ang mga maunlad ay mas potensyal pang umunlad at ang atrasado o hindi maunlad ay kapos sa ayuda o opurtunidad sa pag asenso.


12. Pag rebisa sa umiiral na Banking system kung saan napakalimitado ang interbensyon ng gobyerno para magtakda ng restriksyon sa nagaganap na monopolyo sa pinansya.

13 Pagpawi sa sakit ng korupsyon sa pamamagitan ng pagpasa ng mas mahigpit
na batas sa mga lumalabag dito at pagbubuo ng mga sistema kung saan ay
may aktibong papel na gagampanan ang mga organisasyon ng mamamayan
sa assessment at collection of government fees ,accounting, procurement
system at inspection and deliveries ng goods or services.

14 Pagrebisa sa umiiral na batas sa serbisyong sibil sa layuning matiyak ang
kwalipikasyon ng mga kawani sa anumang antas at malimita ang bilang ng
mga pusisyong ini aapoint at itigl na ang kalakaran na iniaapoint ang mga
personahe ng walang pamantayang kwalipikasyon.



15Reresolbahin ang patuloy na pagsadsad ng kalidad ng pampublikong edukasyon
na isa sa mayor na dahilan ay ang mababang pasahod sa mga guro.
Lumalabas sa mga pagaaral na ang kurso ng pagtuturo sa primarya at
sekondaryong antas ay hindi na kaaya ayang propesyong pinipili ng mga
pinakamahuhusay at matatalinong kabataan sa kanyang henerasyon sa
kadahilanang hindi ito isang promising career . Pagtutuunan din ang kakulangan
ng sapat na kagamitan at pasilidad para dito at iaako ang mas malaking
responsibilidad sa mga local na pamahalaan. Sa tersaryong edukasyon pararamihin ang mga state universities na ang tunguhin ay ispesyalisasyon sa ibat ibang sangay ng displina at hihikayatin ang kolaborasyon ng mga malalaking kumpanya upang tumaya sa mga eksperimento at pananaliksik na sila ang popondo at makikinabang .

16 Pasisiglahin ang kampanya sa wastong nutrisyon ,hygiene ,kalusugan at alternatibang medisina kasama na ang pagtitiyak ng murang gamot sa antas komunidad at titiyaking ang bawat local na pamahalaan ay may nakalaang pondo para ipatupad ang paglalaan ng libre o subsidyo sa gastusing hospitalisayon ng mga mahihirap na pamilya gaya ng Makati at Marikina.

17Paglalaan ng programang pabahay sa mga mahihirap na pamilya na ikinukunsidera ang pangkabuhayang aspeto . At paghikayat sa mga pribadong malalaking kumpanya na ikonsidera ang paglalaan ng programang pabahay sa kanilang empleyado bilang dagdag na benipisyo para sa kanilang mga empleyado .

18Seryosong pananaliksik sa alternatibong pagkukunan ng enerhiya particular yaong mga likas na naririyan na tulad ng coco diesel, geothermal , biogas methane fuel , hydrothermal , solar , nukleyar at iba pa.

19. Pagkakaroon ng safety nets na naglalayong protektahan ang sector ng manupaktura at agrikultura sa daluyong ng globalisasyon particular ang paglalagay ng taripa sa mga produktong may kakayanan naman tayong likhain.

20. Pasisiglahin ang sining at kultura,na magbibigay ng inspirasyon sa mamayan upang lalupang pagyamanin ang sariling kultura , pagmamahal sa kapwa at pagmamalasakit sa bayan.

21Pagtrato sa pantay na karapatan ng pag iral ng sariling kultura , pulitika , ekonomiya at tradisyon ng mga kapatid nating muslim at katutubo sa pag bubuo ng mga batas , patakaran na may kinalaman sa takbo ng kanilang buhay

22 . Pagpawi sa lahat ng uri ng diskriminasyon sa kababaihan at miembro ng third
sex at pagbibigay ng sapat na proteksyon laban sa pangaabuso sa kanilang
katauhan.


23. Reoryentasyon sa institusyon ng pulisya at militar upang tiyakin na ito ay mangangalaga at pro protekta sa soberenya ng bansa, sa mga demokratikong institusyon ng pamamahala sa gubyerno at mga batayang karapatan ng mamamayan laban sa pang aabuso

24. Pagdadagdag sa kurikulum ng edukasyon na nagtuturo ng wastong pangangalaga sa ating mga likas na yaman at kahalagahan ng kalikasan sa buhay ng bawat tao at susunod na henerasyon. Titiyaking may sapat na representasyon ang mamamayan sa pagbuo ng mga batas at regulasyong mahusay na napapangalagaan ang mga ito at mahigpit na pag papataw ng parusa sa sinumang tao, organisasyon o kumpanya na makagagawa ng mga pagsira o hindi wastong pag utilisa ng kalikasan at likas na yaman.

25. Pagsasabatas ng mandatory community service ( maaring pag-aralan ang kumbersyon ng professional tax ) sa lahat ng propesyunal upang tugunan ang dalawang mahalagang layunin na ang una ay ang pagtataas ng kalidad ng serbisyong pampubliko at ikalawa ay upang pahigpitin ang ugnayang pang komunidad o pamayanan ng mamamayan( damayan ) sa bawat local na pamahalaan.






Panata sa Dios,Sarili sa kapwa at sa Bayan ng isang kasapi sa Kilusan

1. Salat man sa yaman, dunong at katanyagan kung puno naman ng pagpapakatao at pagmamahal hahamakin ang lahat ng pagsubok at kahirapan.
2. Butil man ng kanin pag iyong pinaghirapan animoy maningning na palamuting perlas ng karagatan .Samantalang ang baul ng yaman na inumit sa kapwa man o sa bayan bitbit moy sariling kabaong hila-hila kahit saan.
3. Haligi man o ilaw kapwa mahalaga sa lamig ng gabi ay kumakalinga anumang pagkukulang ng isa ay dapat punan ng kabila, tahanang kanlungan ng pag asang mutya.
4. Saan man masuong kung bitbit ay liwanag ang lahat ng naliligaw lilingon at lilingap tungkulin mong dumamay magtanong at mangusap kaibigan baka naman pareho din ang hanap.
5. Ang buhay na ginugol sa pagpapasarap ay bigong pangarap ng salinlahing walang pagtitika at sikap
6. Ang mabuting gawa ay bukal sa kalooban walang hinihintay na kapalit o pinagkakautangan. Kung pagtulong sa kapwa ay trinatong puhunan asahan mong tubo may bahid na ng kasamaan
7. Ang butong itinanim sa bayang kinalakhan ay syang bungang kakanin ng paslit mong iniingatan
8. Makamandag mang ahas sa damuhan hindi nanunuklaw kung hindi natatapakan
Subalit kung paggamit ng dahas sa una pa ay tinuran ito ay kahangalan at hindi para sa katarungan.
9.Matatayog na pangarap puspusang pagsisikap kung pansarili lang laan
ingatan may mababasag.
10. May buhay man o wala sa mundoy gawa ng may likha tungkulin mong
Kalingain at pagyamanin huwag na huwag isalaula.
11. Dami o bilang di sapat na panangga kung salat sa katotohanan hustisyat katuwiran bulag na paniniwala.
12. Pagka ganid sa yaman, luho at kapangyarihan mga uod na kumakakain sa dignidad mot katauhan.
13. Araw sa umagay sisikat sa dapit hapoy lulubog gaya ng mga adhikait pangarap may takdang panahon din ng pag inog.

Anonymous said...

so, okay. sorry my eyes are too tired to read that lengthy comment from another anonymous. when you say "While everybody’s busy ousting a President, nobody is talking about the real issues." what have you been doing? what real issues are you talking about aside from the ones that have come out? the ones that have been shouted in the streets, aired on tv, etc? care to enlighten us? and if you do know what the real issues are, what do you propose to do? go to baywalk and sit quietly and wear your blue shirts or whatever?

Anonymous said...

:[[